
Kasabay ng kanyang 35th birthday, masayang ibinahagi ni Dionne Monsanto na buntis siya sa kanyang unang baby.
Sa Instagram, ipinakita ni Dionne ang kanyang 20-week baby bump. Aniya, ito ang pinakamagandang regalong natanggap niya sa kanyang kaarawan.
"This year has given me so much! I moved to a new country, learned a new language, discovered new interests, got engaged, married my best friend and love of my life [Ryan Stalder], and together, we traveled and discovered different countries and cultures. But, this may be our most exciting adventure yet," pagbabahagi ni Dionne.
Ipinaabot din ng dating aktres ang pasasalamat sa kanyang pamilya at mga kaibigan na patuloy na sumusuporta sa kanyang mga pangarap.
Kasalukuyang nasa Switzerland si Dionne kasama ang kanyang asawa. Ikinasal sina Dionne at Ryan noong March 8.
Samantala, tingnan ang ilan pang celebrities na buntis ngayon sa gallery na ito: