GMA Logo Direk Jerry Sineneng and Widows Web
PHOTO COURTESY: Widows’ Web
What's on TV

Director Jerry Lopez Sineneng talks about his first time working with Kapuso stars in 'Widows' Web'

By Dianne Mariano
Published February 28, 2022 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Allen Liwag cops back-to-back MVPs, Titing Manalili is top rookie of Season 101
VP Sara Duterte decries plunder, graft raps filing as 'fishing expedition', cover-up for corruption
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH

Article Inside Page


Showbiz News

Direk Jerry Sineneng and Widows Web


“Kababait, kagagaan katrabaho, professional,” pagbahagi ni Direk Jerry Lopez Sineneng tungkol sa pagtatrabaho kasama ang ilang Kapuso stars ng 'Widows' Web.'

Masayang ibinahagi ni esteemed director Jerry Lopez Sineneng ang kanyang karanasan na makatrabaho ang ilang Kapuso stars sa unang pagkakataon para sa upcoming GMA Telebabad series na Widows' Web.

Ang suspenserye na ito ay ang kauna-unahang proyekto ng batikang direktor sa Kapuso Network.

Ayon kay Direk Jerry, mababait, magagaan katrabaho, at propesyunal ang Kapuso stars na sina Ashley Ortega, Pauline Mendoza, at Vaness del Moral, na kabilang sa leading stars ng Widows' Web.

“'Yung mga first time kong makatrabaho sila Vaness, Ashley, Pauline, kababait, kagagaan katrabaho, professional,” pagbahahagi niya sa naganap na online media conference kamakailan.

Dagdag pa niya, “We had an agreement before we started. Mayroon kaming mga pinag-agree-han na you come on the set on time, you come ready, wala silang bini-break. Ang gaan nilang katrabaho.

“We had a series of script reading before we entered the lock-in taping, do'n inaral na namin 'yung characters. Kung ano 'yung pinag-agree-han, kung ano 'yung requirement ng role, [at] kung ano 'yung kailangan, 'yun po 'yung binibigay nila. Magaan katrabaho at magagaling. Nakakatuwa. Ang sarap ng pakiramdam ko.”

Ramdam din ng direktor ang pagsuporta at pag-welcome sa kanya ng Kapuso stars at staff para sa unang teleserye nito sa GMA-7.

Aniya, “Wala po akong mahihiling. Masayang-masaya po ako. From the cast, to the crew, to the production, 'yung suporta sa akin ng management, thank you very much. Sobrang saya ko po.”

Mapapanood na ang Widows' Web, na pinagbibidahan nina Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Vaness del Moral, at Carmina Villarroel, simula February 28 sa GMA Telebabad.

Samantala, alamin ang iba pang Kapuso programs na dapat abangan ngayong 2022 sa gallery na ito.