What's on TV

Direk Andoy Ranay reveals secret of Mrs. Real’s record 23 slaps scene

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



How did Direk Andoy prepare for the most memorable and challenging scene he has directed so far?
By MICHELLE CALIGAN



Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang mala-rapidong 23 slaps na natanggap ni Dingdong Dantes mula kay Ms. Maricel Soriano sa Bagyong Millet episode ng primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real.

Para sa director ng show na si Andoy Ranay, it’s what he considers the most memorable and challenging scene he has directed so far.

Some of the Kapuso programs he has handled in the past are Mundo Mo'y Akin, One True Love, Legacy, and Hiram na Puso. Siya rin ang direktor ng mga pelikulang Sosy Problems, Diary ng Panget at Talk Back and You're Dead.

"I have to be responsible doon sa buong eksena. Mula sa pag-mount pa lang ng scene hanggang sa reaction ng audience, of course during the scene, isa 'yun sa pinakamalaking responsibility ng director na kailangan ma-handle nang tama ang lahat. And then, 'yung responsibility pa after that," kuwento ni Direk Andoy nang aming bisitahin ang set ng Ang Dalawang Mrs. Real kamakailan.

Hindi pa rin daw makapaniwala ang batikang direktor na nagawa niya nang maayos ang eksenang pinag-uusapan pa rin ng bayan.

Paano nga ba niya pinaghandaan ito?

"I read the script over and over again, talked to my actors, and prepared myself because kung hindi ako kasabay ng emotions ng artista, hindi siguro magiging ganoon kaganda 'yung execution ng eksena."

Aniya, as much as possible ay isang take lang ang gusto niya. Kaya naman very proud si Direk Andoy na ganoon na nga ang nangyari sa paborito niyang eksena.

"I'm so proud of it. During emotional scenes, I always prepare my actors for Take 1. I always believe in Take 1 because 'yun ang pinaka-organic na acting ng mga artista. I always try to make it talagang Take 1 lang. Very emotional 'yung scene, so mabigat for both actors na paulit-ulit. Mawawala 'yung freshness."