What's Hot

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Isa sa itinuturing na game changers sa telebisyon si Direk Dominic Zapata. Kilala siya sa kanyang mahusay na pagdi-direct ng Philippine adaptation ng 'Temptation of Wife'. Isa rin sa kanyang achievements ang pagdi-direct ng mapangahas na GMA Telebabad series na 'My Husband’s Lover'.

Isa sa itinuturing na game changers sa telebisyon si Direk Dominic Zapata. Kilala siya sa kanyang mahusay na pagdi-direct ng Philippine adaptation ng Temptation of Wife. Isa rin sa kanyang achievements ang pagdi-direct ng mapangahas na GMA Telebabad series na My Husband’s Lover.

Ngayon, isa na namang panibagong teleserye ang gagawin ni Direk Dominic- ang Carmela na mapapanood sa GMA Telebabad sa 2014. Pagbibidahan ito ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, at makakatambal niya dito ang Kapuso hunk na si Alden Richards.

Katulad ng My Husband’s Lover, babaliin din ng Carmela ang ilang kumbensyong paulit-ulit na napapanood sa telebisyon. Tungkol ito sa isang babaeng may nakabibighaning kagandahan, ngunit ang kagandahang ito rin mismo ang kanyang sumpa. Tungkol rin ito sa pag-ibig na hindi inaasahan.

Maraming mga sorpresang hatid ang Carmela. Sa puntong ito, ano ba ang dapat abangan ng mga manonood dito?

Sagot ni Direk Dominic, “’Pag papanoorin natin, of course there is only so much we could do with television, pero mahalaga pa rin sa akin na ma-capture ‘yung sensuality. Kung nanonood ka, medyo I will not say nadudumihan ka, pero nararamdaman mo ‘yung kulo ng dugo mo ‘pag pinanonood mo. Ganoon ‘yung appeal niya.”

Tugon niya sa cast ng teleserye, “To make it clear lang for everyone, I don’t want you expecting the wrong things. I’m a fun guy to be around. I enjoy having fun, pero when it gets down to work, I really work. Seryoso ako sa trabaho ko. It doesn’t only mean na ganun ‘yung gusto kong kalakaran. Makikita natin sa produkto. It looks like a serious piece of work.”

Dagdag niya, “Mahalaga sa akin na ‘yung TV show na ginagawa natin is something to really be proud of. Every time we’re taping, we’re taking time away from the people we love. We’re not able to spend time with them. Ito ‘yung offering natin sa kanila. Wala man tayo sa piling ng taong mahal natin, at least napapanood nila tayo sa TV at nasasabing maganda ang pinapakita natin.”

Talagang paghihirapan ni Direk Dominic ang teleserye upang lalong pagandahin ito. Sabi niya sa mga artista ng Carmela, “Ayoko ring asahan ninyo na madadalian kayo dito. It may be like a love story. Akala niyo wala masyadong fantasy. Although para malinaw lang, ‘yung ganda ni Carmela, nasa fantasy levels. Magtatanong ka, bakit kami nadadala sa kanya?”

Pagpapatuloy niya, “You wouldn’t expect that we’re gonna put a lot into it, but we are. You will see it in the product. Hindi tayo uuwi nang may lakas pa. Sa bawat taping, ibibigay ko lahat. I will never shortchange you. I hope you don’t shortchange either.”

Sa kabuuan, iisa lang ang nais ni Direk Dominic. Ayon sa kanya, “Ang mantra ko lagi, alagaan po natin ang industriya natin because I don’t know how much longer television is going to stay, or at least this genre. Mahalin natin ‘yung craft natin, ‘yung career natin, ‘yung industriya natin like it’s a loved one.

Abangan ang Carmela sa GMA Telebabad sa 2014. Para makatanggap ng updates sa inyong mga paboritong Kapuso stars and shows, bumisita lamang sa www.gmanetwork.com.

-Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com