What's on TV

Direk Dondon Santos admits he's very meticulous in directing 'Kambal Sirena'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 9:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

People gather near a light installation ahead of Vesak Day
Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento marks 16 years with a two-part anniversary special
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa May 29, 2026 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Pangatlong proyekto na ni Direk Dondon Santos sa Kapuso network ang 'Kambal Sirena'. His previous projects were 'Indio' and 'Prinsesa Ang Buhay Ko'. Ano nga ba ang dapat nating abangan sa sirenaseryeng ito?

Pangatlong proyekto na ni Direk Dondon Santos sa Kapuso network ang sirenaseryeng Kambal Sirena. His previous projects were Indio and Prinsesa Ang Buhay Ko, at sa lahat ng mga programang ito ay nakatrabaho niya ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica.

May mga pagbabago ba siyang nakita kay Aljur mula nang nakasama niya ito sa Indio?

"I think he's really improving as an actor, from those that I have heard about him before I entered GMA. Kasi, may mata si Aljur. Isa sa mga pinaka-important 'yan sa acting, 'yung sa mata pa lang nakikita mo na 'yung emotions ng tao. I think nade-develop na ni Aljur 'yun," pahayag ni Direk Dondon in an exclusive interview with GMANetwork.com sa press conference ng Kambal Sirena last March 4.

As for the show's lead actress Louise delos Reyes, Direk has nothing but praises for her. "Si Louise, dalawang beses ko pa lang nakakatrabaho. Okay si Louise. From what I heard, dito sa station natin, isa siya 'sa magaling talaga 'yung pag-arte. We're excited to work with Louise on this one."

We also asked him about the challenges of being at the helm of a grand production, and he admits that it is very time consuming.

"Technically, kapag mayroon kang kambal at isang tao lang ang nagpo-portray, that would mean na ang one sequence mo times three agad 'yan kapag shinoot mo. Una, isu-shoot mo siya bilang isang tao. Pangalawa, as 'yung isa pang character, and then 'yung pangatlo mo, 'yung silang dalawa na pinagsama mo kunwari."

Dagdag pa niya, mahirap magkamali sa shots kaya dapat very detailed ang bawat anggulo. "Magkamali ka lang kasi ng galaw ng artista, mahihirapan ang effects people natin sa kung paano siya gawin. Very meticulously namin sinu-shoot 'yung mga eksena na kambal sila at saka 'yung may buntot sila. Hopefully hindi dumating doon sa point na masyado na nating mamadaliin."

When asked what viewers can expect from the show, this is Direk Dondon's reply.

"Marami nang nagawang shows about sirena, so tina-try namin na ibang look ang maibigay namin para mas abangan ng audience. Gusto namin maging as visual as kaya naming gawin dahil sa mga batang manonood."

Don't miss Kambal Sirena starring Louise delos Reyes and Aljur Abrenica, Mondays to Fridays after 24 Oras, on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com