
Isang feeding program ang pinangunahan ni Wowowin director Gab Valenciano upang tulungan ang mga residente ng Barangay Bagong Silang, Quezon City sa gitna ng banta ng COVID-19.
Si Direk Gab mismo ang pumunta sa barangay upang hatiran ng pagkain ang 800 pamilya roon noong April 4. Kasama niyang namigay ng donasyong lutong pagkain at mga gulay ang kaibigan niyang si Victor Pring.
Kuwento niya sa kanyang Instagram post, “I understand the risk, but being there helped bridge the gap and showed them that they are not alone.”
Nais pa rin daw bumalik ni Direk Gab upang magdala ng karagdagang tulong. Hinikayat din niya ang kanyang followers na sumuporta sa kanyang donation drive.
Aniya, “This is just the start, there are thousands who need our help as many are left jobless and unable to provide for their families. Come join the cause by donating or volunteering. For only 65 Php, you've provided one meal for a family of five.”
RELATED CONTENT:
Willie Revillame at Direk Gab Valenciano, na-miss ang isa't isa ngayong may COVID-19 outbreak
WATCH: Gab Valenciano's on-the-spot dance moves sa Wowowin Primetime
EXCLUSIVE: Gab Valenciano dreams to work with one of his ex-girlfriends