Article Inside Page
Showbiz News
Isang buwan na ang nakakaraan nang simulang ipalabas ang 'The Borrowed Wife' sa GMA Afternoon Prime. Kinumusta namin sa batikang director na si Gil Tejada Jr. ang lead stars ng show na sina Camille Prats, Rafael Rosell, Pauleen Luna at TJ Trinidad at kung ano ang masasabi niya sa mga ito.

Isang buwan na ang nakakaraan nang simulang ipalabas ang
The Borrowed Wife sa GMA Afternoon Prime. Kinumusta namin sa batikang director na si Gil Tejada Jr. ang lead stars ng show na sina Camille Prats, Rafael Rosell, Pauleen Luna at TJ Trinidad at kung ano ang masasabi niya sa mga ito.
Camille Prats
Actually I've worked with Camille way back in 2009, that was my first Afternoon Prime with her. 'Yung first show namin walang problema, nag-jive kaagad kami. Kasi si Camille naman, as a person by nature [ay] mabait. Second, as an actor [ay] very cooperative. Kasi sa 'kin naman ang prinsipyo ko lang is as long as my actors respect me, tutulungan ko sila. Ganoon lang naman sa 'kin eh.
Rafael Rosell
Ang nakikita ko sa kanya [ay] 'yung sweetness niya. Parang napaka-amiable niya. Lalo na sa kanyang mga kaeksenang babae. So 'yung chemistry nilang dalawa ni Pauleen [ay] nagwo-work kasi kontrapelo sila eh. 'Yung ibig kong sabihin, they have distinct and extreme characters. Ang advantage ni Raf is kahit sinong leading lady na isama mo, mabilis siyang mag-jive. Kita ko 'yung effort niya na mag-reach out. Hindi rin ako nahirapan kasi we were planning to have familiarity workshop pero [dahil] 'yung schedule nila [ay] hindi magtagpo-tagpo, [hindi na natuloy]. Pero noong inoobserbahan ko during the time na mag-start kami, ang sabi ko - gets na nila 'yung gusto kong mangyari.
Pauleen Luna
Si Pauleen naman, I've worked with her sa
Etheria pa at sa
Encantadia before. Si Pauleen ang galing niyang mag-memorize ng lines. Ang maganda, she comes prepared sa set. Kahit ngaragin mo 'yan, 'yung composure niya ay hindi mawawala. Hindi mo siya mara-rattle. So kapag sinabi mong ito 'yung blocking mo, then afterwards isang run through lang kami at kuha na niya.
TJ Trinidad
Si TJ masyadong malalim. He is a man of few words. Kahit personal 'yung character niya rito, mas malalim pa nga dapat 'yon. So parang 'yung personality niya parang na-i-imbibe niya 'yon, nake-carry over niya 'yung role niya. So, nakakatuwa dahil halos ganoon 'yung portrayal ng character niya. Si TJ, first time ko siyang nakatrabaho pero sobrang gaang, walang problema.
Patuloy na subaybayan sina Camille Prats, Rafael Rosell, Pauleen Luna at TJ Trinidad sa
The Borrowed Wife, weekdays after
Innamorata on GMA Afternoon Prime. –
Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com