Article Inside Page
Showbiz News
Marami nang teleserye ang nagawa ni Direk Gil sa Kapuso Network tulad ng
Kahit Nasaan Ka Man, Mga Mata ni Anghelita, Yesterday’s Bride, Broken Vow, Iglot at
Bakekang. Pero kahit dekada na ang binilang ni Direk Gil sa showbiz, hindi pa niya nakakatrabaho si Marian Rivera.

Kamakailan ay bumisita ang GMANetwork.com sa taping ng Afternoon Prime soap na
The Borrowed Wife. Naroon ang lead stars ng show na sina Kapuso actors Camille Prats at TJ Trinidad. Bukod sa kanila, naabutan din namin ang direktor ng show na si Gil Tejada Jr.
Marami nang teleserye ang nagawa ni Direk Gil sa Kapuso Network tulad ng
Kahit Nasaan Ka Man,
Mga Mata ni Anghelita,
Yesterday’s Bride,
Broken Vow,
Iglot at
Bakekang.
Pero kahit dekada na ang binilang ni Direk Gil sa showbiz, mayroon pa pala siyang hindi nakakatrabaho artista. Ito raw ay si GMA Primetime Queen Marian Rivera.
“Si Marian, naiintriga ako sa kanya. Gusto ko siyang i-challenge. That's a part of me as a director," pahayag ni Direk Gil.
Hindi pa raw nabibigyan ng pagkakataon na makasama niya sa isang soap si Marian. Pero kung mangyari daw iyon ay ma-e-excite siyang makatrabaho ang Primetime Queen.
Ayon pa kay Direk Gil, isa pang gusto niyang makatrabahong muli ay ang real life boyfriend ni Marian na si GMA Primetime King Dingdong Dantes.
Kuwento ni Direk, nakatrabaho niya na raw dati si Dingdong noong teenager pa ito. “Dingdong started with me way, way back,
AnnaKareNina and
TGIS days pa niya,” aniya.
Dagdag ni Direk Gil, magiging isang malaking challenge daw para sa kanya kapag nagkaroon ng pagkatataong magkatrabaho silang muli ni Dingdong. “I want to see something different. I want to see a different Dingdong. Kasi sa ngayon parang gusto ko siyang makita on a different light as an actor eh. Gusto ko siyang makapag-portray ng isang role na tipong 'yung sa tingin mo [ay] commercial and at the same time challenging sa part ng artista,” saad niya.
“Gusto ko na kapag tiningnan ko siya, dapat kakaiba 'yung magawa niya kasi that would seal na siya talaga 'yung Primetime King,” dagdag ng direktor.
Abangan natin kung saang proyekto makakatrabaho ni Direk Gil sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera. Pero habang hinihintay natin ang pagkakataong ito, patuloy munang subaybayan ang
The Borrowed Wife, weekdays after
Villa Quintana on GMA Afternoon Prime.
- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com