What's Hot

Direk Gina Alajar nagalit sa ‘Yagit’ kids

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit nagalit ang beteranong direktor sa mga yagit sa taping ng Afternoon Prime soap?
By AL KENDRICK NOGUERA

 
Kaka-resume lang kamakailan ng taping ng Yagit matapos ang long break dahil sa holidays. Ayon sa kids na sina Judie dela Cruz, Chlaui Malayao at Jemwell Ventinilla, bumungad sa kanila ang nakataas na kilay ni Direk Gina Alajar.

Bakit kaya? “Nanibago po kami noong una kaming mag-taping pagkatapos ng bakasyon. Ang dami po naming takes,” natatawang sagot ni Jemwell.
 
Dagdag pa niya, “Kasi po parang naninibago po kami at saka nakakalimutan po namin 'yung mga linya namin. Nagba-buckle po kami.”
 
Ayon kay Jemwell, naiintindihan naman daw nila kung bakit sila napagsabihan ni Direk Gina. Pero linaw niya, maayos naman daw silang kinausap ng direktor at nagbibiro pa nga raw siya kapag pinapagalitan sila.
 
“Biro nga po ni Direk, dapat pala hindi ito binibigyan ng pahinga eh,” ani Jemwell.
Hindi raw talaga nila naiwasang manibago dahil sa tagal ng bakasyon ayon kay Judie. Aniya, “Nanibago po talaga ako noong nawalan po kami ng taping. Parang nasa bakasyon pa rin po 'yung mga utak namin.”
 
Ani Judie, natutuwa raw siya kay Direk Gina sa pagme-mentor sa kanilang mga child star. “Mabait po siya. Kapag nasa set na po kami, nagiging strict na po siya sa 'min kapag nagkamali po kami,” anang Yagit star.
 
“Magaling po siyang magdirek. Lagi niya po akong tinuturuan sa scenes ko. [Binibigyan niya po ako ng] tips para lalo pa po akong gumaling,” dagdag pa ni Chlaui.
 
Sa huli, sinabi ni Jemwell na sa mga unang taping lang daw sila nahirapang umarte. “Okay na po kami ulit. Bumalik na po 'yung dating Tomtom, Jocelyn, Ding at Eliza,” saad niya.