
Kamakailan ay may ibinahagi sa kanyang Instagram followers ang batikang direktor na si Binibining Joyce Bernal na may kaugnayan sa kanyang kalusugan.
Sa larawan na pinost ni Direk Joyce, makikita ang Asian Breast Center sa kanyang likuran. Kalakip ng larawan ang mga katagang: "Salamat Dra. Buenaflor and the pink nurses! Nakangiti pa 'ko ng bongga after the biopsy."
Nakuha pa ngang magbiro ni Direk at sinabing: "Biopsy is nothing pating!!"
Ang biopsy ay isang medical term na ang ibig sabihin ay "examination of tissue removed from a living body to discover the presence, cause, or extent of a disease." Karaniwan itong ginagawa para ma-diagnose ang cancer.
Bumuhos naman ang suporta ng mga kaibigan sa industriya ng direktor.
Katatapos lamang i-celebrate ni Direk Joyce ang kanyang ika-50 kaarawan noong May 6. Si Direk Joyce ay mayroong isang anak na nagngangalang Liam.