
Bumilib si Zig Dulay, direktor ng upcoming primetime series na Sahaya, sa lead star nitong si Bianca Umali. Iba daw kasi ang dedikasyon nito pagdating sa pagbibigay buhay kay Sahaya.
Bianca Umali, bakit may personal connection kay 'Sahaya?'
Sa naganap na media conference noong Lunes, March 11, ibinahagi ni Direk Zig ang isang pagkakataon kung saan nakita niya ang passion ng young Kapuso actress.
IN PHOTOS: At the media conference of the epic dramaserye 'Sahaya'
'Yung sinu-shoot namin 'yung eksena ni Bianca na sumasayaw siya sa laot, nasa gitna talaga siya. Doon ko napatunayan na iba, sobra-sobra 'yung binibigay niya doon sa materyal. Medyo maalon kasi at mahangin, at 'yung sayaw niya may balancing involved.
"Sabi ko sa kanya, 'Bianca, kung hindi mo kaya, umupo ka na lang. Okay lang sa akin.' Sabi niya, 'Hindi Direk, try natin.' Ang saya-saya tingnan kasi somehow nagta-transcend 'yung passion niya na gawin 'yung bagay nang tama, na mas mahusay kaysa doon sa inaasahan. Lumalagpas siya doon sa expected."
Dagdag pa niyang kuwento, "Nung nagsu-shoot kami ng underwater scenes niya, siyempre 'yung nature hindi na natin kontrolado. Hindi siya makalubog, [pero sabi niya,] 'Direk, try ko talagang lumubog. Kasi as a badjaw girl, kailangan marunong akong sumisid.'"
Abangan ang Sahaya, simula ngayong March 18 sa GMA Telebabad.