
Ngayong December 29, samahan natin si Dingdong Dantes na maglakbay, mag-enjoy at matuto sa Amazing Earth.
Sa bago nitong episode ay sasamahan siya nina Rocco Nacino at Betong Sumaya sa pakikipagusap sa isang eksperto para sa disaster preparedness.
Ang GMA's resident meteorologist naman na si Nathaniel Cruz ay magbabahagi ng kaalaman tungkol sa hail storm.
Isang tower farm naman sa Laguna ang bibisitahin ng race car enthusiast na si Angie Mead King.
Abangan ang lahat ng ito at marami pang iba sa Amazing Earth ngayong Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend.