
Bumilib ang mga manonood sa pagganap ni Divine Aucina sa pelikulang Will You Be My Ex?
Si Divine ay mapapanood bilang Jonjie, ang bestfriend ni Chris na ginagampanan naman ni Julia Barretto. Kasama nina Julia at Divine sa pelikula sina Diego Loyzaga at Bea Binene.
PHOTO SOURCE: YouTube: Viva Films
Matapos ang premiere night ng pelikula noong June 20, nagsimulang lumabas ang mga comment ng mga manonood tungkol sa Kapuso comedian.
Saad ng Goldwin Reviews, "Ayaw mong matapos ang eksena kapag nandiyan si Divine Aucina. Siya ang nagpapasaya sa pelikula."
Napahanga rin sila sa pagiging totoo ng karakter ni Divine bilang kaibigan.
"Wuyy I want a friend like her sobrang kwela ng character nya and she's really a true friend to Christina sa care and mga advice nya pa lang.😭😭" Saad ni @trieadaptation sa Twitter.
wuyy I want a friend like her sobrang kwela ng character nya and she's really a true friend to Christina sa care and mga advice nya pa lang😹😭 #WillYouBeMyExNowShowing #WillYouBeMyExNow #BeaBinene #JuliaBarreto #DiegoLoyzaga #DivineAucina https://t.co/lCSl3P2X1G
-- luna (@trieadaptation) June 22, 2023
Samantala, abangan si Divine soon sa seryeng Stolen Life sa GMA Network.
BALIKAN ANG IMPRESSIVE PHOTOS NI DIVINE DITO: