
Confidence na paldo!
Ganiyan binigyang diin na dapat may “kapal ng mukha” ang isang drag queen nang sumalang sa “Your Honor Live Sessions” ang drag queen stars na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, and Viñas Deluxe o mas kilala bilang Divine Divas.
Humarap ang tatlo matapos ipatawang nina Madam Chariz Solomon at Vice Chair Buboy Villar upang ipaliwanag sa special session nila ang halaga ng confidence sa mga drag performer.
Paliwanag ni Precious Paula Nicole sa House of Honorables, “Mayroon din confidence, kasi hindi naman puwedeng puro kapal tapos pagdating mo sa performance wala ka naman pala ibubuga 'di ba.”
Dagdag pa ni Precious, “Parang, mas maganda na confident ka muna bago mo kapalan 'yung mukha kasi at least alam mo na may rason kung bakit kumapal 'yung mukha mo. At para masabi nila na: 'Ay! Okay naman pala makapal ang mukha niya magaling naman pala siya, e.”
Sumabat naman si Brigiding na habang nagpe-prepare sila ay dapat may confidence sila kasi hindi biro ang pinagdadaanan nilang transformation.
“And I think kahit bago ka maglagay ng makeup kailangan mo ng kapal ng mukha 'di ba. 'Yung pagsisimula pa lang, pagsusuot ng heels, pagsusuot ng wig sobrang daming nangyayari sa katawan mo. So, 'yung tapang pa lang na gawin 'yun at simulan 'yun, 'yun talaga ang totoong kapal ng mukha,”paliwanag niya sa Your Honor.
Para naman kay Viñas Deluxe, ang mga costumes, wig, at nails na sinusuot nila ay malaking tulong para mabuo ang kanilang drag persona.
Lahad niya kina Madam Cha at Buboy, “Iba 'yung nararamdaman kapag sinuot na namin 'yung mga costumes, 'yung wig. Kapag may nails na pumipilantik mga daliri namin.”
Sinegundahan naman ito ni Brigiding nang sinabi, “May transformation na nangyayari habang nagmi-make up, habang nakaharap sa salamin. Para mo siyang binubuo 'yung bagong pagkatao mo.”
Balikan ang all-out chikahan at awrahan ng Divine Divas sa “Your Honor Live Sessions” below.
RELATED GALLERY: This is how Pinoy drag queens look out of drag