
It will be a fabulous night, mga Honorables this April 11 dahil isang “slay-sation” session ang magaganap kasama ang mga biggest names sa Drag Queen scene ang haharap sa special na pagdinig ng Your Honor.
Haharap sa Your Honor Live Session ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Viñas Deluxe kina Madam Chariz Solomon at Vice Chair Buboy Villar.
Sa episode teaser ng YouLOL Originals vodcast, nagkuwento si Viñas Deluxe kung paano niya na-achieve ang confidence bilang isang drag performer.
Aniya, “Tinatapangan ko lang ang loob ko.” Sabay banat, “Si Brigiding, kasi naturally makapal talaga ang mukha.”
Sumunod na kuwento ni Precious Paula Nicole, “Mas fierce kami kapag naka-drag, mas madaldal, mas makulit. Pero, kapag naka-out of drag po kami, mga pinag-uusapan namin mga girls [laughs].”
Get ready for a fierce night sa Your Honor Sabado ng gabi, April 11 na mapapanood sa ivestream sa YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng Pepito Manaloto.
RELATED GALLERY: This is how Pinoy drag queens look out of drag