
Tuwang tuwa ang netizens sa sosyal na wardrobe ng aktres na si Divine Aucina, na gumanap bilang Freya, ang all-around lady boss, sa fantasy romance anthology na My Fantastic Pag-ibig.
Bida sa unang installment ng My Fantastic Pag-ibig, “Love Wars,” ang StarStruck alumni na sina Kim De Leon at Lexi Gonzales.
Tampok din dito si Kapuso hunk Rodjun Cruz, Maey Bautista, at Mike Liwag.
Source: Divine Grace (Facebook)
Ang “Love Wars” ay tungkol sa love story ng isang kupido at dating app developer.
Sa kwento, nangangamba ang mga kupido sa pangitaiin na maraming tao ang magiging broken-hearted at mawawalan ng paniniwala sa true love at ang itinuturo nilang dahilan nito ay ang dating app na “MatchMaker.”
Kaya naman ang magiging misyon ni Milos/Pido (Kim) ay isabotahe ang tagumpay ng dating app.
Magpapanggap siyang intern at mag-a-apply sa kumpanyang namamahala sa “MatchMaker.”
Doon ay makikilala niya ang charming na developer nito na si Lovelyn Donato (Lexi).
Samantala, malaki ang ginagampanang role ni Divine sa “Love Wars” bilang si Freya, ang loud at fashionista CEO at managing director ng dating app na “MatchMaker.”
Empleyado niya si Lovelyn, ang hardworking at multi-talented app developer ng nasabing dating app.
Hindi naniniwala sa “destiny” at “true love” si Freya at corny para ito sa kanya.
“This dating app will change the lives of single men and women out there. Hindi na kailangang hintayin pa ang destiny and true love, so corny,”
“Bakit pa kailangan ng destiny at true love if you can just date, mingle, have fun, and party!” linya ni Freya sa serye.
Bukod sa kanyang napakahusay na acting skills, dagdag-aliw din para sa viewers ang avant-garde looks ni Divine, na pinuri at kinatuwaan din ng netizens.
Source: Divine Grace (Facebook)
Narito ang ilang komento ng netizens sa kanyang “pak na pak” na looks:
Samantala, ipinalabas na noong Sabado, January 30, ang unang episode ng “Love Wars” at mapapanood naman ang ikalawa at huling episode nito ngayong Sabado, February 6.
Panoorin ang first episode ng My Fantastic Pag-ibig: Love Wars sa video sa itaas.
Silipin ang mga kaganapan sa lock-in taping ng serye sa gallery na ito: