
Sa March 21, samahan natin si Dingdong Dantes sa paghahatid ng exciting at extraordinary stories sa Amazing Earth.
Mapapanood sa Sabado ang Filipino scuba instructor and videographer na si Jeru Cajapin para magbahagi ng kanyang shark diving experiences mula sa Japan at Maldives.
Makakasama rin sa Amazing Earth ang Sparkle Artist and Bubble Gang cast member na si Cheska Fausto. May ipapakita siyang food adventure sa Porac, Pampanga kasama ang cabalen food vlogger na si Ruel Lomibao a.k.a. Dishkarte.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Tampok sa seryeng “South America's Weirdest: Wild Mutants" ang exciting na mga kuwentong hatid ni Dingdong Dantes.
Sama na sa Saturday night adventure na handog ng Amazing Earth ngayong March 21, 6:30 p.m. sa GMA Network at Kapuso Stream. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestreaming sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING ADVENTURES NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: