GMA Logo Diwata
Photo by: Unang hirit FB
What's Hot

Diwata, handang bumangon muli sa kabila ng bashings: 'Laban lang nang laban'

By Kristine Kang
Published February 25, 2026 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

5 architect-backed tips to keep your home cool this summer
Military stands by clash that left 19 alleged NPA members dead
Misamis Oriental welcomes Miss Universe Philippines delegates

Article Inside Page


Showbiz News

Diwata


Alamin ang buhay ngayon ni Diwata matapos magsara ang kanyang mga paresan, dito.

Handa nang muling sumabak sa panibagong yugto ng kanyang buhay ang negosyanteng si Deo Balbuena, na mas kilala bilang Diwata.

Sa isang panayam sa GMA morning show na Unang Hirit, ibinahagi ng entrepreneur ang kanyang kasalukuyang kalagayan matapos magsara ang kanyang mga dating viral paresan.

“Marami ang nakapanood siguro, kasi laging viral 'yung mga paresan natin na mga nagbukas na malalaki. So lahat 'yun ay wala na, sarado na 'yun lahat. Kasi nagkaroon kami ng problema doon sa business partner ko before,” aniya.

Inamin niyang labis ang kanyang lungkot sa pagsasara ng branches sa Quezon City, Pampanga, Laguna, at Caloocan. Dagdag pa niya, hindi rin umano niya natanggap ang napag-usapang franchising fee.

“Nakakalungkot nga kasi, siyempre, inasahan kong kikita ako. So nakakalungkot kasi, parang ako pa 'yung nautangan. Kaya sarado na lahat 'yun," kuwento niya.

Sa kabila ng mga pagsubok, hindi raw susuko si Diwata. Nagpasya siyang magsimula muli sa pamamagitan ng pagbebenta ng pares gamit ang isang bagong food cart.

“Kaya meron akong cart ngayon na bago lang din para meron akong pangkabuhayan para tuloy pa rin ang buhay. Laban lang nang laban,” pahayag niya.

Nagpasalamat din siya sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya online at sa kanyang negosyo.

Sa kabila ng mga batikos, nananatili rin siyang matatag sa kanyang hanapbuhay.

"Sa mga bashers naman, wala ako'ng pakialam," saad niya. "Ang iniisip ko lagi, 'Sino bang mas masama sa atin, ako na naghahanapbuhay na maraming natutulungan o ikaw na nandiyan lang, 'di naman kita kilala, para husgahan ako? As long as wala akong ginagawang masama, itutuloy ko lang. Wala akong pakialam sa sasabihin ng tao. Lumalaban ako nang patas."

Sa kanilang kwentuhan, ibinahagi rin niya ang ilan sa kanyang mahahalagang natutunan sa buhay. Isa na rito ang hindi puwedeng iasa sa iba ang sariling kapalaran. Aniya, kung kulang sa kaalaman at labis ang umaasa sa ibang tao, mas nagiging mahirap ang sitwasyon. Sa huli, sarili pa rin ang dapat sandigan.



Kilala si Diwata bilang Pares Overload Queen dahil sa kanyang dinudumog na 24-hour pares business. Ito ay naging viral sa umano'y pagiging “sulit.” Sa halagang PhP 100 ay may pares overload, unli-rice, unli-sabaw, at isang bote ng soft drink.

Bukod sa kanyang negosyo, marami rin ang naaliw sa kanyang online content na may halong komedya.

Kilalanin pa si Diwata sa gallery na ito: