GMA Logo DJ Jellie Aw and Jam Ignacio
Photo source: DJ Jellie Aw (FB)
What's Hot

DJ Jellie Aw at Jam Ignacio, engaged na nga ba?

By Karen Juliane Crucillo
Published July 3, 2026 4:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'KPop Demon Hunters' star Arden Cho ties the knot with surgeon BF
'Lilet Matias: Attorney-At-Law,' muling mapanonood sa GTV
Real Moments, Real Thrills, Real Entertainment Await This July on GMA Pinoy TV

Article Inside Page


Showbiz News

DJ Jellie Aw and Jam Ignacio


Ikakasal na nga kaya sina DJ Jellie Aw at Jam Ignacio?

Pinag-usapan online ang engagement rumors ng magkasintahang sina vlogger-DJ Jellie Aw at Jam Ignacio.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jellie ang ilang larawan nila ni Jam. Agad namang napansin ng netizens ang kumikinang na singsing na suot niya, na nagbunsod ng espekulasyong isa itong "engagement ring."

Sa caption ng kanyang post, isang singsing at lock emoji lamang ang inilagay ni Jellie, na lalo pang nagpasiklab sa mga usap-usapan.

Matatandaang noong February 2025, nasangkot sina Jellie at Jam sa isang kontrobersiya matapos ang umano'y pananakit ni Jam kay Jellie, na humantong sa pagsasampa ng kaso.

Noon, magkasintahan at mag-fiancé na ang dalawa. Gayunman, napagpasyahan ni Jellie na huwag nang ituloy ang kanilang kasal dahil sa nangyari.

Pagkalipas ng ilang buwan, muling namataan si Jam na nag-post tungkol kay Jellie sa kanyang Facebook noong December 2025. Nagbahagi rin si Jellie ng isang cryptic post tungkol sa pagpapatawad, na naging dahilan sa espekulasyong nagkabalikan ang dalawa.

RELATED GALLERY: Sweetest celebrity engagements in 2026