GMA Logo dj jhai ho
source: mor1019jhaiho (IG), bernardokath (IG), supremo_dp (IG)
What's on TV

DJ Jhai Ho, nilinaw ang pagkakadawit sa hiwalayang Kathryn Bernardo-Daniel Padilla

By Kristian Eric Javier
Published September 9, 2026 10:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gilas Pilipinas vs Bahrain: PH begins 2026 Asian Games title defense
Babae, Patay Human Mabangga ang Gisakyang Motor sa Sidecar sa Mixer Truck | Balitang Bisdak
Authentic Japanese food, MAY PINOY TWIST! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

dj jhai ho


Ipinaliwanag ni DJ Jhai Ho kung bakit siya nagsalita noon sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naging mainit na usapin ang hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo noong November 2023. Kasabay nito ang pagkakadawit ng pangalan ni DJ Jhai Ho nang ipagtanggol niya ang aktor mula sa bashers.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 8, kasama ang Kalurks! co-host na si Ashley Rivera, ikinuwento ni Jhai Ho kung gaano kahirap i-navigate ang entertainment industry lalo na at may mga kaibigan na siya mula rito.

“Actually, Tito Boy, sobrang hirap po na dapat hindi ka papanig sa isa lang at lalo na kung kaibigan mo. Pero siyempre, I remember kasi na na-mention n'yo sa akin, Tito Boy, na dapat it's very, very important the relationship with everybody,” sabi ni Jhai Ho.

Katulad na lamang noong maghiwalay sina Kathryn at Daniel, sinabi ni Jhai Ho na pinili niyang manahimik, ngunit dumating din sa puntong kailangan na niyang magsimula para ipagtanggol ang aktor.

“Both, kaibigan ko si Kathryn at si Daniel. Pero that time kasi, parang dapang-dapa na si Daniel with everything, with the bashing,” sabi ni DJ Jhai

BALIKAN ANG NAGING REAKSYON NG CELEBRITIES SA HIWALAYANG KATHRYN AT DANIEL SA GALLERY NA ITO:

Aminado naman si DJ Jhai na sina Kathryn at Daniel lang talaga ang may karapatang magsalita at magtanggol sa kanilang mga sarili. Ngunit dahil may iba't ibang panig at opinyon na ang maraming tao, nasaktan umano siya para sa dalawang aktor.

“Nanggagaling ako dun sa parang dahil may attack to DJ, na parang at that moment, alam kong hindi totoo 'yung mga sinasabi. So parang para sa 'kin, tumayo lang ako bilang kaibigan, Tito Boy. I forgot nga 'yung sinasabi na public figure din kayo, napapanood din kayo, may boses din kayo,” sabi niya.

Umabot pa raw sa puntong ipinatawag sila ng network dahil sa issue. Ngunit ipinaliwanag lang niya ang sarili at sinabing gusto lang niyang ipagtanggol si Daniel.

Nilinaw rin ni Jhai Ho na kahit mas malapit siya kay Daniel, pagkatapos ng issue ay okay naman sila ni Kathryn. A katunayan, noong nagkasabay sila sa elevator noong pino-promote ng aktres ang pelikula nilang Hello, Love, Again kasama si Alden Richards, binati nila ang isa't isa.

“In fairness po, pagpasok niya talagang same kami na, 'Kath!' tapos 'Jai Ho!' nagyakapan po kami and parang, Tito Boy, alam kong naiintindihan ni Kathryn where I am coming from at sinabi rin ng mga handlers na parang, 'Gets ni Kathryn kung saan ka nanggagaling, so 'wag kang mag-alala, love ka pa rin niya,'” sabi ni Jhai Ho.

Panoorin ang buong panayam dito: