GMA Logo DJ Loonyo and Faye Protacio
Source: amaraxmari (FB)
What's Hot

DJ Loonyo at Faye Protacio, engaged na

By Jansen Ramos
Published August 30, 2024 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up in Catanduanes, Camarines Sur as Ada slightly weakens
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

DJ Loonyo and Faye Protacio


Engaged na ang Internet sensation na si DJ Loonyo sa kapwa niya DJ na si Faye Protacio, na kilala bilang Amari.

Ikakasal na ang Internet sensation na si DJ Loonyo, na may tunay na pangalang Rhemuel Lunio, sa kanyang girlfriend na si Faye Protacio, o mas kilala bilang Amari na isang DJ rin.

Inalok ni DJ Loonyo ng kasal ang kanyang nobya habang nasa isang garden kung saan tanaw ang karagatan sa Oak Park Cronulla sa Sydney, Australia noong Miyerkules, August 28.

Sa video na ipinost ni DJ Loonyo, nagpi-picnic sila at nagkakasiyahan hanggang sa lumuhod ang lalaki at inilabas ang singsing.

Nag-post naman ng mga larawan ang kanyang ngayo'y fiancee. Ika ni Amari, "Yes to a lifetime. I love you mahal!"

Sumikat si DJ Loonyo dahil sa kanyang viral dance cover ng "Mama Mia" noong 2020 kasama ang dalawa pang dancer.

Bukod sa pagiging dancer, siya rin ay isang recording artist, professional choreographer, at DJ.

Noong July 18, 2020, ipinalabas ang kanyang life story sa Magpakailanman.

Related gallery: Celebrities na nag-announce ng engagement ngayong 2024