GMA Logo dj onse in your honor
Source: Your Honor
What's on TV

DJ Onse, nagulat sa sinabi ng award-winning actress nang malaman nito na may anak siya

By Aedrianne Acar
Published May 24, 2025 9:30 PM PHT
Updated May 25, 2025 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

dj onse in your honor


Comedian DJ Onse, hindi makakalimutan ang naging encounter niya sa isang award-winning actress at ang sinabi nito nang malaman niya na may anak siya.

Tiyak kapupulutan ng aral ang naging episode ng Your Honor this Saturday night (May 24), kung saan pinag-usapan ng mga resource person na sina DJ Onse at Inah Evans kung paano magmahal ang mga tulad nilang members ng LGBTQIA+ community.

Sa session na pinamagatan na 'In Aid of Gay Love: Paano magmahal ang bakla?', bukas na ikinuwento ni DJ Onse kina Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar na may anak siyang lalaki.

Lahad ng stand up comedian sa Your Honor, “Naglaro na kami sa Family Feud ng anak ko. So, kumbaga parang nailathala na naman na alam mo 'yung kung ano'ng meron ako.”

Sumunod na ibinahagi ni DJ Onse na isang bisexual ang reaksyon ng mga tao kapag nalalaman nila na may anak siya.

“Actually, it's fun e. Ang hindi ko lang gusto du'n sa lagi kapag nalalaman nila na may anak ako, 'Sa 'yo? Ikaw ang gumawa? Semilya mo?'” pag-amin ni Onse.

Pagpapatuloy niya, “Parang nao-offend ako, kasi being a parent hindi naman importante kung ikaw ang gumawa… Common misconception na parang lagi nilang tinatanong, 'sa'yo ba talaga,' na parang hindi nila naiintindihan... so bakit, again [and] again kailangan ulitin: 'Sa'yo? Ikaw gumawa? Biological,' Nakaka-offend.”

Tumatak din sa memorya ni DJ Onse ang pag-uusap nila ng isang award-winning actress nang malaman nito na isa siyang gay dad.

Lubos siyang nabahala sa mga binitawang salita ng naturang celebrity. Pagbabalik-tanaw ni DJ Onse, “There was a time na meron artista, sikat na artista 'to naging best actress sa mga award-giving bodies na nakasama ko sa mga show. Nung sinabi ko sa kaniya na may anak ako. Sabi niya: 'sayo?'

“Tapos ang sinagot ko is, 'Oo, sa akin, kasi, I had girl relationship in the past.' Tapos sabi niya, 'Buti na lang no biological anak mo. Kasi, 'di ba, kapag ampon hindi mo alam kung ano ugali niyan, ano'ng nangyari?'"

“Parang nasaktan ako in a way na parang [bleeps]. So, kung hindi mo dugo, kung halimbawa anak ng kriminal, inampon mo. Does it mean, paglaki niya, kriminal din siya? Hindi ba 'yung ugali ng magiging isang tao is mangagaling sa kung sino nagpapalaki?”

Inah Evans and DJ Onse

Source: Your Honor

Balikan ang kuwentuhan ng mga resource persona na sina DJ Onse at Inah Evans sa Your Honor sa full episode below.

RELATED CONTENT: Tuesday Vargas and Buboy Villar show amazing chemistry during the
'Your Honor' pictorial