
May ilang nakababahalang reports ang lumabas kamakailan na ilan sa ating mga kababayan ang namatay dahil sa rabies infection.
Isa na rito ang kaso ng isang factory worker sa Cabuyao, Laguna na namatay sa rabies, siyam na buwan matapos makagat. Ayon sa ulat ng GMA News Online, hindi nakumpleto ng lalaki ang nirekomendang vaccine dosage.
Kaya sa Facebook Reels ni Doc Alvin Francisco, may iniwan itong paalala sa kaniyang followers tungkol sa mga dapat nilang gawin kapag nakagat ng aso o pusa.
Paliwanag ng medical content creator, “Kung 'yung aso na kumagat sa inyo ay hindi n'yo nabantayan. Sabihin natin bigla siya nawala. So hindi n'yo naobserbahan kung kumusta 'yung behavior niya o kaya biglang namatay. So hindi nyo nalaman 'yung situation ng aso na 'yun. Pag ganun po 'yung nangyari, ibig sabihin mataas po 'yung risk n'yo for rabies infection.”
Pero kung 'yung aso na 'yun, alaga n'yo. Tapos sa loob lang ng bahay, kumpleto 'yung bakuna. 'Tapos naobserbahan n'yo within two weeks wala namang pagbabago sa ugali ng aso, mababa ang chance na may rabies ito.
“Masigla, hindi siya 'yung parang nagwawala. Very low risk na po na magkaroon kayo ng rabies infection pag nainfect po kasi 'yung aso or any animals ng rabies dapat po nagpapakita na 'yung sintomas niyan within several days. E so kung sabihin natin two weeks or three weeks okay yung aso, walang nagbabago sa sintomas niya mababa po ang risk for rabies infection nun.”
Dagdag ni Doc Alvin, “Pero kung yung aso na 'yun na kumagat sa inyo, hindi nyo naobserbahan, biglang nawala o kaya biglang namatay. Dapat po nagpupunta na agad sa clinic para magbakuna.”
“Pero pinakamaganda pa rin talaga, kung anumang situation yan, hindi n'yo naobserbahan, naobserbahan n'yo. Walang nagbago sa ugali, mas maganda pa rin talaga magpunta sa clinic para magbakuna regardless of the situation.”
Sa isa naman niyang post, inilista ni Doc Alvin ang ilang ospital na nagbibigay ng libreng anti-rabies vaccine. Base sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ito ng 426 rabies-related deaths noong 2024 sa buong Pilipinas.
RELATED CONTENT: LOOK: Adorable celebrity pets on Instagram