GMA Logo Doc Alvin Francisco talks about puyat
Celebrity Life

Doc Alvin, may hugot sa mga nagpupuyat; totoo bang nakakapayat kung kulang sa tulog?

By Aedrianne Acar
Published May 30, 2025 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo surprises kids by dressing up as Santa Claus for Christmas
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News

Doc Alvin Francisco talks about puyat


Mga team dilat tuwing gabi, may paalala si Doc Alvin sa masamang epekto ng palaging pagpupuyat!

May mahalagang paalala ang sikat na health care content creator na si Doc Alvin Francisco sa mga ilang ginagawa natin na nagiging dahilan kung bakit tayo nahihirapan pumayat.

Sa bago niyang Facebook Reels, itinama ni Doc Alvin ang maling impormasyon tungkol sa epekto ng pagpupuyat sa pagbabawas ng ating timbang.

Paliwanag ng celebrity doctor, “Kulang sa tulog, akala po natin kapag puyat, nakakapayat. Pero kapag puyat tayo lalo tayong tumataba dahil tumataas ang ating stress hormones.”

Sabay hirit pa niya: “Huwag pagpuyatan kung 'di ka kayang pahalagahan.”

Binigyang diin ni Doc Alvin sa kaniyang mga followers ang halaga ng pag-inom ng tubig na nakakatulong daw sa ating metabolism.

Aniya, “Tamad uminom ng tubig. Ang tubig po kasi nakakatulong 'yan para ma-improve 'yung ating metabolism. So kung wala tayong tubig sa katawan, ang bilis natin magdagdag ng timbang.”

Umani ng maraming papuri kamakailan si Doc Alvin, matapos niya ibinahagi ang kaniyang fitness journey at i-flex ang resulta ng kaniyang pagwo-workout at balance diet.

A post shared by Doc Alvin (@docalvinfrancisco)

RELATED CONTENT: Hottest celebrity doctors who will keep you motivated to stay fit