
Ramdam ang pagkadismaya ng Born To Be Wild host na si Ferds Recio sa sinapit ng isang aso na inabandona ng kanyang owner.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Doc Ferds na isang sikat na vlogger ang ayaw bayaran ang PhP 15,000 na kabuuang gastos sa pagpapagamot sa kaniyang fur baby.
Post niya, “A well-known vlogger refused to pay the P15,000 confinement fees for treating this sweet dog's blood parasitism and abandoned him completely. Fortunately, someone else stepped in and gave him a loving home, where he's now thriving.”
RELATED CONTENT: LOOK: Adorable celebrity pets on Instagram
Hindi na pinangalanan ni Doc Ferds ang naturang vlogger, pero maraming netizens ang nagalit sa ginawa nito.
Pinuri rin ng mga pet owner ang ginawang pagmamalasakit ng Born To Be Wild host, lalo na at nahanapan niya ng bagong owner ang aso.
RELATED CONTENT: MEET DOC FERDS RECIO