
Malapit nang mapanood sa GMA ang Doctor Detective, tampok ang Kapuso favorite na si Nadech Kugimiya!
Pinagbibidahan ni Kimberley Anne Woltemas, Alex Rendell, Namwhan Phulita Supinchompoo, Big Sarut Vichitrananda, at Nadech Kugimiya, ang Doctor Detective ay isang romace-drama Lakorn na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.
Ang Doctor Detective ay tungkol sa isang grupo ng mga epidemiologists na pinamumunuan ni Kenneth (Nadech Kugimiya) na naatasang imbestigahan ang isang Ebola-like virus sa isang maliit na bayan at pigilan ang pagkalat nito.
Sa paggawa niya ng kanyang mga tungkulin ay makikilala niya si Jenica (Kimberley Anne Woltemas), isang palaban na journalist na magiging kasangga ni Kenneth. Ilan pa sa mga makikilala ni Kenneth ay sina Alvin (Alex Rendell), Mindy (Namwhan Phulita Supinchompoo), at Dennis (Big Sarut Vichitrananda).
Antabayanan ang Lakorn na Doctor Detective sa GMA simula August 26, mula 9:00 a.m. hanggang 9:30 a.m.