GMA Logo Doctor John
What's on TV

Doctor John: The Finale | Recap

By Bianca Geli
Published May 16, 2022 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Doctor John


Balikan ang kapana-panabik na mga tagpo sa finale ng Doctor John.

Sa pagkamatay ni Chairman Yi-soo (Jeon No-min), magkakasama sa pagluluksa sina Tae-kyung (Kim Hye-eun), Si-young (Lee Se-young) at Mi-rae (Jung Min-ah)

Samantala, pakikiusapan ni Joo-kyung (Oh Seung-hyun) si Tae-kyung na siya na ang pumalit sa yumaong Chairman.

Magdedesisyon si Mi-rae na makitira muli kay Si-young. Nang malaman niyang lilipad na para mangibang bansa si Yo-han (Ji Sung), agad niya itong sasabihin kay Si-young.

Mag-aalala si Si-young nang hindi niya mahanap si Yo-han, at tuluyan na silang magkakahiwalay ng landas.

Tatlong taon ang lilipas na walang kahit anong pagpaparamdam si Yo-han kay Si-young. Bigla itong magbabalik matapos ang tatlong taon, at sa muli nilang pagkikita ni Si-young, wala itong paliwanag kung ano ang nangyari.

Malalaman ni Si-young na may matinding karamdaman pala si Yo-han kaya ito lumayo. Gayunpaman, nananatili pa rin ang pagmamahalan nina Si-young at Yo-han at mag-uumpisa itong muli ng panibagong buhay ng magkasama.