
Masaya si Kapuso actress Therese Malvar sa natanggap na nominasyon ng documentary na Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea sa 49th Gawad Urian.
Kabilang ito sa mga makikipagtunggali bilang Best Documentary sa prestihiyosong annual awards show.
Bahagi si Therese ng proyekto hindi bilang aktres kundi bilang associate producer.
Umikot ang dokumentaryo sa mga karanasan ng mga Pilipinong mangingisda, navy at coast guard personnel sa West Philippine Sea sa gitna ng banta ng China.
Nag-premiere ito noong nakaraang taon sa Doc Edge Film Festival sa New Zealand kung saan nabingwit nito ang Tides of Change Award.
Source: theresemalvar (IG)
Bukod sa Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea, bahagi rin si Therese ng dalawa pang Urian-nominated films.
Kabilang siya sa star-studded cast ng Bar Boys: After School na may pitong nominasyon, at historical film na Quezon na may sampung nominasyon.
Parehong nomindo ang Bar Boys: After School at Quezon para sa Best Film.
Nakatakda ang gabi ng parangal ng 49th Gawad Urian sa October sa De La Salle University.