
Makalipas ang mahigit dalawang dekada, masaya ang aktor na si Dominic Ochoa sa kaniyang panibagong proyekto sa GMA-7.
Kasunod ng official announcement tungkol sa kaabang-abang na bagong drama series na Abot Kamay Na Pangarap, ibinahagi ni Dominic ang kaniyang naramdaman nang malaman niyang makakatrabaho niyang muli ang aktres at TV host na si Carmina Villarroel.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa aktor, sinabi niyang malaking tulong para sa kaniya na makakasama niya ulit ang Kapuso actress sa isang proyekto.
Kuwento ni Dominic, “I've known Carmina for quite some time, nagkatrabaho kasi kami sa isang movie noong 2020… It was a special movie kasi pandemic pa noon, lock-in kami.
“I was happy when I was offered this role, natuwa ako kasi nung nalaman kong si Carmina. Actually, nalaman ko pa ito sa wife ko na sana tanggapin ko raw 'to. Sabi ko ang alin? Wala pang tumatawag sa akin about it… A week after that's when I got the offer. Ayun natuwa ako… I said yes agad, hindi naman na iba sa akin ang mga makakatrabaho ko. So, I accepted the role, walang hesitation. I'm very thankful na katrabaho ko si Carmina now and si Richard Yap at saka 'yung ibang Kapuso artists.”
Dagdag pa niya, “It's good that I've worked with Carmina, malaking bagay kasi 'yun… Madali sa amin na mag-jive na kasi mayroon nang nagawa before… May advantage kumbaga.”
Mapapanood si Dominic Ochoa sa bagong GMA afternoon drama series bilang si Michael Lobrin, ang magiging karibal ng karakter ni Richard Yap sa puso ni Lyneth (Carmina Villarroel).
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY NA ITO: