What's on TV

Dominic Roco at Felix Roco, umabot sa jackpot round ng 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun
Published October 14, 2020 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wish for courage, calmness amid corruption issues — Cardinal David
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Dominic Roco at Felix Roco


Kunin kaya ng Roco twins ang pagkakataon na magwagi ng PhP 500,000? Balikan ang October 10 episode na ito ng 'Celebrity Bluff!'

Umabot sa jackpot round ang celebrity twins na sina Dominic Roco at Felix Roco sa episode ng Celebrity Bluff na napanood nitong Sabado, October 10.

Dominic Roco at Felix Roco

Nitong October 10, muling napanood sina Eugene, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' ang naggagwapuhang celebrity brothers. Naglaban-laban ang Team Roco na binuo ng twins na sina Dominic Roco at Felix Roco, ang Team Nacino na binuo ng magkapatid na sina Rocco Nacino at Kyle Nacino, at ang Team Posadas na binuo ng magkapatid at kapwa Chicser na sina Oliver at Owy Posadas.

Matapos ang mainit na tagisan ng kaalaman, sina Dominic at Felix ang umabot sa round three kung saan na-perfect nila ang mga sagot at nanalo ng PhP 100,000. Dahil dito nagkaroon sila ng pagkakataong maglaro sa jackpot round at magwagi ng PhP 500,000.

Tanggihan kaya nila ang pagkakataong ito o maglalaro ang celebrity twins all the way? Panoorin ang buong video ng October 10 episode sa itaas.

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.