GMA Logo dominique roque
What's Hot

Dominic Roque shares beautiful sunset photo with a special tag

By Dianne Mariano
Published July 30, 2021 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

dominique roque


Dominic Roque: “Sunsets with ___?”

Ibinahagi ni Dominic Roque ang larawan ng isang nakamamanghang sunset view sa Instagram kahapon, July 29.

Ngunit mas naging kapansin-pansin ang kanyang espesyal na tag sa larawang ito.

Sa litrato na ito--kung saan makikita ang napakagandang kulay ng pink, blue, at violet sa kalangitan--naka-tag ang pangalan ni Kapuso actress Bea Alonzo.

Isinulat pa ni Dominic sa caption, “Sunsets with ___?”

Dagdag pa niya ang nakakakilig na hashtag, “#CaptionKoTapusinMo (heart emoji)”

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Agad namang nagkomento ang fans at supporters ng aktor at sinabing ang bagong Kapuso star ang tinutukoy niya.

Photo courtesy dominicroque IG

Sa kasalukuyan, ang nakamamangha at nakakakilig na post ng aktor ay mayroong higit 58,000 na likes sa Instagram.

Hindi naman din ito pinalampas ng kanilang mga taga-suporta at ibinahagi ng isang fan account--na nagngangalang @beadom.fanpage-- ang naturang larawan and sinulat, “Sunsets with sa nakatagged @beaalonzo.”

A post shared by Bea🤍Dom (@beadom.fanpage)

Ibinahagi din ng aktor sa kanyang Instagram stories ang latest adventure nila ni Bea sa Amerika.

Makikita sa larawang ito ang kasiyahan ng bagong Kapuso star habang mayroon siyang hawak na rifle.

Photo courtesy dominicroque IG

Kamakailan lamang, kumpirmadong magkasama ang dalawang showbiz personalities nang mag-post si Dominic ng kanilang larawan sa San Francisco Museum of Modern Art sa Amerika.

Ibinahagi din ng award-winning actress ang kauna-unahang litrato nila ng aktor sa kanyang Instagram account na ikinasaya ng fans at netizens.

Ilang beses na rin nakitang magkasama ang dalawa sa naturang bansa gaya na lamang noong sa baby shower ng anak ng dating aktres na si Beth Tamayo, ika-31 na kaarawan ni Dominic, at sa AutoCamp Yosemite.

Noong July 9, nagtungo si Bea sa Amerika upang magbakasyon bago sumabak sa trabaho bilang isang Kapuso.

Simula noon, madami ang nakakapansin na magkasama sila ng rumored boyfriend na si Dominic, na pumunta din sa naturang bansa, dahil sa kanilang magkaparehong posts sa social media.

Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa gallery na ito: