
Dumalaw ang showbiz power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong Biyernes ng umaga (December 8) sa Unang Hirit.
Dito nakapanayam ang DongYan nina Arnold Clavio at Susan Enriquez at tinanong kung paano ang magiging selebrasyon nila ng Christmas.
Ayon kay Dingdong, “Madalas ho 'pag Pasko, sa [December] 24 may kainan sa gabi. 'Tapos, pagdating ng bente singko sa kanila, kina Marian sa Cavite.
“Pero itong Pasko, mag-iikot kami sa mga sinehan para magpasalamat sa mga tao nanonood ng Metro Manila Film Festival.”
Isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival na magsisimula ngayong December 25 ang comeback movie ng Dantes couple na 'Rewind.'
SPARKLING CAREER OF MARIAN RIVERA:
Dagdag pa ni Dong, “Inaabangan namin parati 'yung Menudo nila. 'Tapos nagpa-potluck 'yung mga kamag-anak. [Dala nila] expertise na pagkain.”
Inilahad din ng Kapuso Primetime Queen na mahalaga sa kanilang dalawa ng mister ang “time management” para matutukan nila ang mga anak na sina Zia at Sixto, kahit napaka-busy nila with their showbiz commitments.
Lahad ni Marian, “Time management po talaga ang kailangan. So, kami nag-aayos kami ng schedule, tapos inaayos ko rin 'yung schedule ng mga bata. Kapag, kailangan ako sa school talagang pinapakaiusapan ko, for example, may shooting: 'Puwede po ba i-adjust 'yung konti ng call time para makapunta ako dun sa school? So, mababait naman sila, na-adjust naman.”
Pagpapatuloy ni Dingdong, 'Yung support group po namin ,e, talagang solid. Kaya nagagawa po namin.”
THE AMAZING TANDEM OF DONGYAN:
Panoorin ang buong panayam ng DongYan tungkol sa kanilang MMFF movie na 'Rewind' sa video below: