GMA Logo Marian Rivera, Dingdong Dantes
Celebrity Life

DongYan, nag-donate ng relief packs para sa mga nasalanta ng bagyong Carina

By EJ Chua
Published July 27, 2024 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babae, patay nang pagsasaksakin at bugbugin ng mister dahil sa selos umano; suspek, nakita sa balon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera, Dingdong Dantes


Kabilang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mga nagpaabot ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyong Carina.

Magkasamang nagtungo sa Kapuso Foundation ang celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sa “Chika Minute” report na ipinalabas sa 24 Oras nitong July 26, inilahad na dinala ng DongYan ang relief packs na handog nila sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

Ang relief packs ay mula sa couple, kanilang mga kaanak, malalapit nilang mga kaibigan, sponsors, at iba pa.

Ayon kay Marian, mahigit 700 bags ang kanilang naibalot.

Ang A-list Kapuso actress pa ang personal na bumili ng ilang mga ilalagay sa bags.

Tumulong naman sa pagre-repack ang mga anak naman nina Marian at Dingdong na sina Zia at Sixto.

“Maraming Salamat sa mga nagbigay para at least makakalap kami ng ganun kadaming bag para maibigay, ma-distribute namin sa mga kababayan natin.”

“We decided to turn over everything dito sa GMA Kapuso Foundation kasi alam naman natin na GMA… nauuna sa sites sa ganitong klaseng mga sakuna.”

Bukod kina Marian at Dingdong, ilang celebrities din ang personal at nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

Related gallery: Celebrities help in rescue and relief operations for victims of
Typhoon Carina