GMA Logo dingdong dantes and marian rivera in year of the superhero
What's Hot

DongYan's primetime comeback excites fans, trends on Twitter

By Jansen Ramos
Published December 14, 2021 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes and marian rivera in year of the superhero


Bukod sa pagiging Miss Universe judge ni Marian Rivera, talk of the town din ang pagbabalik-primetime nila ng kanyang mister na si Dingdong Dantes bilang hosts ng GMA News and Public Affairs year-end special na 'Year of the Superhero.'

Nanatiling hot topic ang Kapuso Power Couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa social media.

Bukod kasi sa pagiging Miss Universe judge ng aktres, talk of the town din ang pagiging supportive husband at pag-aasikaso ni Dingdong sa kanyang misis sa engagement nito sa prestihiyosong beauty pageant.

Sa katunayan, kabilang sa trending personalities si Marian sa Twitter Philippines kahapon, December 13, araw kung kailan ginanap ang coronation ng Miss Universe 2021 sa Israel (PH time).

Kasabay ng Miss U, naging maingay rin online ang muling pagsasanib-puwersa ng DongYan sa isang primetime TV project.

Kahapon din ay opisyal na inanunsyo sa 24 Oras na sila ang magiging host ng year-end special ng GMA News and Public Affairs na pinamagatang Year of the Superhero.

Marami ang na-excite sa pagbabalik-primetime ng tinaguriang Kapuso Primetime King and Queen kaya naman isa rin ito sa mga pinag-usapang topic sa Twitter.

Sa nasabing TV special, magbibigay-pugay sina Dingdong at Marian sa mga natatanging real-life superheroes ng bansa na nagpakita ng kabutihan sa kanilang kapwa sa gitna ng sakuna at pandemya.

Ibibida rin sa Year of the Superhero ang mga likha ng contemporary Filipino artist na si Leeroy New at award-winning children's book author na si Augie Rivera sa pagkukuwento ng inspiring at heroic moments ng 2021.

Mula sa direksyon nina Rico Gutierrez at Dominic Zapata, ang Year of the Superhero ay ipapalabas sa January 1, 2022, 7:45 p.m., sa GMA.

Narito ang pasilip sa TV comeback ng DongYan sa Bagong Taon: