What's Hot

Donita Nose, naging emosyonal matapos ang kanyang bonggang birthday prod sa 'Wowowin'

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 17, 2020 2:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Katuparan daw ng hiling ni Donita Nose ang maging bahagi sa isang programa tulad ng Wowowin.


Hindi inaaasahan ni Donita Nose na malalagpasan ang kanyang ninais para sa kanyang birthday production sa Wowowin ngayong araw, June 29. Hindi raw maipaliwanag ng co-host ni Willie Revillame ang kanyang nararamdaman dahil sa bonggang oportunidad na ibinigay sa kanya para sa kanyang  kaarawan.

Katuparan daw ng hiling ni Donita Nose ang maging bahagi sa isang programa tulad ng Wowowin. Dagdagan pa ito ng kanyang mala-reyna na peg sa kanyang production number habang nakapulang long gown at inaawit ang medley ng mga hit songs ng Aegis. Tinulungan din daw siya ng Wowowin host sa preparasyon para sa kanyang kaarawan.

Aniya, “Sa totoo lang, gusto ko po muna magpasalamat sa Panginoon sa ibinigay niyang opportunity sa akin. And Kuya Wil, sobrang thank you po. Salamat ng marami kasi binigyan niyo ng chance ‘yung tulad ko na maging isang part ng show na minamahal ng bawat tao.”

Nagpapasalamat din siya na kahit hindi siya tunay na babae, kailanma’y hindi siya nakaranas ng diskriminasyon mula kay Kuya Wil at sa programa. Nagbigay-daan din daw ang Wowowin para sa mga bago at marami pang karanasan para sa kanya.

READ: Donita Nose, ramdam ang respeto mula kay Willie Revillame at mga katrabaho

“Lahat naman po ng ating first time masaya, memorable, kaya hindi ko po makakalimutan ‘to. Sa lahat ng taong nanonood sa inyong mga tahanan, ngayon ko lang po ito naranasan at hindi ko na po ito maikukumpara sa lahat ng bagay na nakamit ko sa buhay. Kaya, maraming maraming salamat,” sambit ni Donita.