GMA Logo Donita Rose
What's on TV

Donita Rose, nilinaw ang pagtawag niya ng 'hayop' sa kanyang ex-husband

By Jimboy Napoles
Published March 6, 2024 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Donita Rose


Donita Rose sa pahayag niya noon sa ex-husband na si Eric Villarama: “Once and for all, I'm truly sorry.”

Ipinaliwanag ng actress-host at '90s star na si Donita Rose ang totoong dahilan kung bakit tinawag niyang “hayop” noon ang kanyang ex-husband na si Eric Villarama.

Sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, pinaalala ng batikang TV host kay Donita ang naging interview nila noon matapos ang naging breakup nila ni Eric.

Kuwento ni Donita, “I was promoting a movie, and then kinakabahan ako, kakahiwalay [ko lang] noon. And then you said, 'Donita, the first question, have you forgiven him?'”

Mabilis daw na kinabhan noon si Donita sa tanong ni Boy Abunda. Aniya, “Tapos naramdaman ko 'yung ano, 'yung kung ano 'yung nasa loob…Gumagano'n siya ng palakas nang palakas.”

Dahil sa kaba, nag-isip, at nagdasal umano ang aktres kung paano sasagutin ang tanong sa isang simpleng paraan.

“Sabi ko, 'Lord, bigyan mo ako ng medyo witty na response para hindi masyadong dramatic.' Tapos sabi ko, 'Wag kang mag-alala, Tito Boy. Pinatawad ko na 'yung hayop na 'yan,'” tugon daw noon ni Donita.

Pero ang inakala niyang “witty” na sagot, hindi niya akalain na ikakasama ng loob ni Eric at ng pamilya nito.

“Nagalit 'yung family niya. So, I mean, hindi na po siya hayop. Pasensya na,” ani Donita.

Dagdag pa niya, “There was a time when he did tell me to make a public apology for saying that, and I did when I was being interviewed on social media and stuff.”

Paglilinaw pa ni Donita, “But, you know, once and for all, I'm truly sorry. When I said that, it wasn't because I wanted to shame the other person, I was just trying to actually make it lighter at that time.”

Noong 2003, ikinasal sina Donita at Eric pero nauwi ito sa hiwalayan noong 2016. Nagkaroon sila ng anak na si JP Villarama.

Taong 2022 naman kinumpirma ni Donita na nakatagpo na siya ng bagong pag-ibig na si Felson Palad. Noong September 2022 ikinasal sina Donita at Felson sa California.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Donita Rose and Felson Palad's beautiful wedding in California