What's Hot

Donita Rose reveals reason for not accepting financial support from ex-husband

By Maine Aquino
Published August 15, 2018 4:08 PM PHT
Updated August 15, 2018 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Legendary fashion designer Valentino Garavani passes away
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Nilinaw ni Donita Rose na pinili niyang di tanggapin ang financial support mula sa kanyang dating asawa na si Eric Villarama matapos nilang maghiwalay. Pumayag siya kamakailan lang nang mag-offer si Eric na tumulong para sa tuition ng kanilang anak na si JP.

Diretsahang sinagot ni Donita Rose ang tanong tungkol sa financial support mula sa kanyang dating asawa na si Eric Villarama.

Kahit naka-move on na umano si Donita sa kanyang pinagdaanan sa kanilang hiwalayan ay pinili niyang huwag na lamang tumanggap ng financial support mula kay Eric.

Ngunit nilinaw ni Donita na this year lamang ay nag-offer si Eric na tumulong sa tuition ng kanilang anak na si JP.

"I don't. I just don't want to hold any grudges. But the dad, just this year, has offered a little bit more. So he helps with the tuition."

Pabirong idinagdag pa ni Donita ang kanyang joke tungkol sa kanyang pagpapatawad kay Eric. Natatawang kuwento niya sa miyembro ng press, "We're friends na. Ang joke lang is I always say na pinatawad ko na 'yung hayop na 'yan. Pero joke lang 'yun."

Sa ngayon ay naka-move on na umano si Donita at nilinaw sa lahat na wala ng hinanakit sa kanyang pinagdaanan. Aniya, "Wala na, okay na. Wala ng pain."