
Sa November 26 episode ng Prima Donnas, tumakas sa bahay ng mga Claveria si Donna Belle (Althea Ablan) upang mahanap ang kanyang kapatid na si Donna Marie (Jillian Ward) at ang nanay nilang si Lilian (Katrina Halili).
Grounded si Donna Belle dahil nag-away sila ni Brianna (Elijah Alejo) kaya naman nagpatulong siya kay Nolan (Will Ashley) na makaalis ng kanilang subdivision nang ligtas.
Sinubukan namang tumakas nina Donna Marie at Lilian mula sa kamay ng mga kidnapper.
Nagparaya naman si Donna Marie na siya na lamang ang magpapahuli upang tuluyan nang makalaya si Lilian.
Naiwan sa kamay ng mga kidnapper ang ina ni Lilian na si Irma (Irene Celebre) na siyang pinag-initan ni Kendra.
Tumututok lang sa paganda na pagandang istorya ng Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.
Kung hindi n'yo napanood ang November 26 episode ng Prima Donnas at iba pang past episodes nito, pumunta lamang sa GMANetwork.com.