Article Inside Page
Showbiz News
Bihira ang taga-showbiz na hindi nakakikilala kay John 'Sweet' Lapus. In fact, talagang famous siya ngayon for his segment Don’t Lie to Me in
Bihira ang taga-showbiz na hindi nakakikilala kay John ‘Sweet’ Lapus. As a host and an artist, pinatunayan ni Sweet na nararapat siyang bigyan ng break ng GMA-7. In fact, since his transfer sa Kapuso network, gumanda ang takbo ng kanyang career at naging famous ang kanyang segment na Don’t Lie to Me sa 'Showbiz Central.' Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
Tuwing Sunday, hindi kumpleto ang araw ng mga showbiz fanatics kung hindi nila mapapanood ang number one showbiz program sa lahat, ang
Showbiz Central. Dito, mapapanood natin si Sweet in his various segments, pero ang pinaka-inaabangan ng mga viewers ay ang 'Love Me, Hate Me, But Don’t Lie to Me.'

“Just recently 'Don't Lie to Me' got even better. 'Love Me, Hate Me, But Don’t Lie to Me,'—that’s the title na so parang, you know, it’s like 'Don’t Lie to Me' na extreme version, parang ganyan,” masayang kuwento ni Sweet sa iGMA.
Pawang mga sikat at ang may pinaka-hottest issues ang nagiging guests ni Sweet dito at talaga namang inaabangan ng lahat kung truth or lie ang lalabas sa lie detector test.
Bihira din ang nakaka-perfect score sa mga naging guest ni Sweet, at ngayong nag-evolve na ang segment niya, lalo pang humirap ang mga tanong at nagkaroon din ng unexpected twist.
“There’s an Easy, Moderate, [and] Difficult level, and of course, the final question—ang It’s Now or Never. Like it’s a now or never question. And this time, 'di ba, kaya 'Love Me, Hate Me,' iniba para you know, yung ini-interogate will be interrogated in front of his friends or family or sometimes his enemy,” ang mahabang paliwanag ni Sweet.
To get a taste of Sweet's extreme new segment, panoorin ito sa Showbiz Central tuwing Linggo, right after
Dear Friend. Or you can log on sa www.igma.tv/livechat sa December 4, 2008 mula 4 p.m. hanggang 6 p.m (Philippine time) para makausap ng personal si Sweet.