
It will be an emotional one, mga Kapuso!
Sa darating na Linggo ng gabi, mapapanood na natin ang season finale ng high-rating at much-loved Kapuso sitcom na Happy ToGetHer!
Malungkot si Julian (John Lloyd Cruz) dahil tumulak na papuntang New Zealand sina Nanay Pining (Carmi Martin), Liz (Miles Ocampo) at Joey (Vito Quizon) upang doon manirahan kasama sina Rachel at Zack.
'Yan tuloy, wala sa sarili ang ating daddy heartthrob at napansin pa ni Rocky (Jenzel Angeles) na umiinom ng alak ito kahit umaga pa.
Paano kaya matutulungan si Julian ng mga kaibigan sa pinagdadaanan niya?
Samantala, bumuhos naman ang mensahe ng viewers tungkol sa nalalapit na season finale this weekend ng Happy ToGetHer.
Post ni Shawn Marlou Mendoza Bantucan, “Salamat Happy ToGetHer family naging part ako ng program n'yo.”
Ano na kaya ang mangyayari sa pamilya ni Julian?
Tutukan ang episode ng hit Kapuso sitcom sa darating na October 30, 6:50 pm, bago ang Running Man Philippines.
MEET THE TALENTED CO-STARS OF JOHN LLOYD CRUZ IN THE HIT KAPUSO SITCOM HERE: