What's on TV

DoReMi, nag-love throwback sa 'Sarap Diva'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 16, 2020 4:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kaarawan ng ating cooking diva na si Ms. Regine Velasquez, sinorpresa siya ng kanyang matatalik na kaibigan na sina Donna Cruz-Larrazabal at Mikee Cojuangco-Jaworski sa Sarap Diva. Matatandaang nagbida sila noon sa pelikulang 'DoReMi', isang sikat na comedy musical film noong '90s.

Sa kaarawan ng ating cooking diva na si Ms. Regine Velasquez, sinorpresa siya ng kanyang matatalik na kaibigan na sina Donna Cruz-Larrazabal at Mikee Cojuangco-Jaworski sa Sarap Diva. Matatandaang nagbida sila noon sa pelikulang DoReMi, isang sikat na comedy musical film noong '90s.

Ngunit hindi lamang si Regine ang nagulat dahil naghanda si Inday ng isang game kung saan ide-describe nila ang mga lalaki sa litratong kanyang ipapakita at saka sasabihin kung kanino ito na-link.

Keempee de Leon
Dinescribe ni Donna na cute si Keempee at inamin na noon ay nagkaroon ila ng ugnayan ni Keempee. Aniya, “Mutual understanding. Oo, 'yung tipong walang kiss-kiss.”

Cesar Montano
Ang pangalawang larawan ay may mukha ni Cesar Montano. Kuwento ni Regine, “Si Cesar po, ang dalawa sa pinakamalalaking pelikula niya ay with Mikee.” Dinescribe naman ni Mikee si Cesar na “very good actor.”

Rowell Santiago
Ikinuwento ni Regine na isa sa good friends nila sa industriya si Rowell Santiago at siya umano ang nagdi-direct ng concerts nila. Saad naman ni Mikee, “Di naman ako niligawan ni Rowell e, feeling niyo lang 'yun.” Inamin niya rin na hinangaan niya si Rowell noon. “Siyempre naman kasi fan ako ni Rowell, tapos love team siya ni Sharon, di ba? Parang, Ay, wow!”

Ian de Leon
Si Ian ay inilarawan ni Donna na kanyang ‘true friend’. Aniya, “Sobrang para kaming BFF (Best Friends Forever).  Sa lahat ng naka-loveteam ko siya 'yung parang kaibigan na kaibigan ko.”

Ariel Rivera
Natawa naman si Regine matapos niyang malaman na kasali siya sa larong ito, at ang larawan ay kay Ariel Rivera na kanyang idinescribe bilang ‘ex’ or ex-boyfriend. Dagdag niya, “But we’re good friends now, and I’m good friends with Gelli (Ariel’s wife).”

Aga Muhlach
Ayon kay Regine, sila ni Mikee ang nakatrabaho ni Aga at mahal nila si Aga. Ganoon din naman si Aga sa kanila. Ibinahagi rin ni Regine na hindi alam ni Mikee na maganda siya kaya’t nacha-challenge umano ang mga suitors nito.

Ibinahagi naman ni Mikee na di niya alam kung nililigawan na siya ng isang lalaki. “Nililigawan na pala nila ko sa lagay na ‘yun. Akala ko naman I’m one of the boys, barkada kami, then high five. ‘Yun pala gusto nila akong ligawan,” saad niya.

Abangan kung sino ang susunod na bibisita kay Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva. Samantala, patuloy kayong mag-log on sa www.gmanetwork.com, para sa iba pang updates ng Sarap Diva, at iba pa ninyong paboritong Kapuso shows.

-Maine Aquino, GMANetwork.com