What's on TV

'DOTS' cast members, sabik nang magbalik-trabaho

By Dianara Alegre
Published August 13, 2020 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss Grand International All Stars: Guidelines, activity roadmap unveiled
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado


Ibinahagi ng "Decendants of the Sun" cast members na sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Rocco Nacino ang kanilang pananabik sa pagbabalik-trabaho makaraang makatanggap ng pagkilala ang serye bilang Most Popular Foreign Drama of the Year sa Seoul International Drama Awards.

Nagwagi ang Descendants of the Sun (Philippine Adaptation) bilang Most Popular Foreign Drama of the Year sa katatapos lamang na 15th Seoul International Drama Awards.

Ang DOTS Ph ang kauna-kaunahang Philippine TV program na nakatanggap ng ganitong pagkilala mula sa taunang global festival na ginaganap sa Korea.

Kasabay ng DOTS Ph na tumanggap ng parangal ang dalawa pang foreign drama na “Snowpiercer,” mula sa US broadcaster TNT at “The New Pope” na produced naman ng Sky Atlantic at HBO.

A proud member of Team DOTS here! Congratulations to the men and women behind the show! @gmanetwork

Isang post na ibinahagi ni Dingdong Dantes (@dongdantes) noong

Sa panayam ng 24 Oras ay ipinahayag ni DOTS Ph lead star Dingdong Dantes ang tuwa sa kanilang pagkapanalo.

“Nakaka-proud kasi…alam mo 'yung kapag nakikita ang angking galing ng Pilipino ay nakakagana lalo. Kasi siyempre trabaho natin,” aniya.

Natutuwa naman ang katambal nitong si Jennylyn Mercado na nabigyang-halaga ang kanilang mga pinaghirapan upang mapaganda ang show.

“Masaya na lahat ng pinagpawisan namin, pinagpuyatan namin, pinaghirapan namin ay napansin at na-appreciate,” aniya.

DOTSPh cast members

Source: dongdantes (IG)

Samantala, ibinahagi naman ni Rocco Nacino na dahil sa natamong tagumpay ay lalo na umano silang nananabik na muling magtrabaho.

“Ganado kaming magtrabaho ulit. Ramdam namin 'yung excitement at saya kasi nga naramdaman namin na may balik 'yung pinaghirapan namin,” sabi ni Rocco.

Naghahanda na nga ang cast at staff ng show para sa kanilang nalalapit na pagbabalik-taping at sinisiguro na team na magiging ligtas ang pagtatrabaho bilang pagsunod sa health protocols.

“Kailangan 'yung preparedness namin kung dati level 100, dapat 1000 siguro ngayon kasi we're not after time but also our safety and the safety of others as well,” sabi ni Dingdong.

Dagdag pa ni Rocco, sakaling magbalik-trabaho ay mapipilitan silang hindi muna umuwi sa kanilang mga mahal sa buhay.

“Naka-lock in kami, hindi namin makakasama 'yung mga mahal namin sa buhay pero trabaho 'to. Kasama 'to sa trabaho namin. And kailangan willing kami sa mga ganitong circumstances upang makapagbigay ng mga programa na maipagmamalaki ng network,” lahad niya.

Dahil naman sa excitement ay all set na raw si Jennylyn at nakahanda na ang mga gagamitin sa taping.

“Actually, nakapack na ako. May time ako mag-organize ng mga [gamit]. Lahat ng gamit ko pang-taping inisa-isa ko. Naka-box silang lahat, tapos may label. Good for 10 to 15 days lahat 'yung gamit ko. May dala rin akong mga pagkain,” aniya.

DOTSPh cast member

Source: dongdantes (IG)

Nasimulang ipalabas sa Philippines TV noong February 10, ang DOTS Ph ay pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang alpha team leader Captain Lucas Manalo at cardio-thoracic surgeon Dr. Maxine Dela Cruz, na mas kilala rin bilang 'Big Boss' at 'Beauty.'

Kasama rin sa star-studded cast sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, Antonio Aquitania, Ricardo Cepeda, Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala, Prince Clemente, Pancho Magno, Renz Fernandez, Chariz Solomon, Andre Paras, Nicole Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles, Bobby Andrews, Neil Ryan Sese, Ian Ignacio, Rich Asuncion, Carlo Gonzales, Roi Vinzon, Hailey Mendez, Marina Benipayo, at marami pang iba.

Ang serye ay sa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata.

ALSO READ: Celebrities react on DOTS PH's first international award