GMA Logo DOTS PH Alpha team in TBATS
What's on TV

'DOTS Ph' Alpha Team, magti-'TBATS' ngayong Linggo!

By Cherry Sun
Published February 1, 2020 12:01 PM PHT
Updated December 29, 2020 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Heath Jornales proud of dad Michael Roy, calls him 'the GOAT'
Maestra sa Danao City, Nag-sorry sa Comment sa Social Media Batok USEC Castro | Balitang Bisdak
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback

Article Inside Page


Showbiz News

DOTS PH Alpha team in TBATS


Sina Prince Clemente, Jon Lucas, at Paul Salas mula sa 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)' ang makaksama ng ating fun-tastic duo sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo, January 3!

Mainit ang pagpasok ng bagong taon sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, January 3. Ang makakasama ng ating fun-tastic duo, walang iba kundi ang Kapuso hunks at mga miyembro ng Alpha Team ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) na sina Prince Clemente, Jon Lucas, at Paul Salas.

Sasabak sa latest dance craze sina Prince, Jon at Paul sa pagbubukas ng programa. Sila rin ang sasalang sa 'The Whisper Challenge.' Pero this time, kapana-panabik ang ipapagawang consequence sa matatalo!

Nagbabalik naman si Rhian Ramos sa 'Pranking in Tandem' segment. Ang kanyang igu-good time, mga volunteer sa isang repacking warehouse.

Maliban kay Rhian, nagbabalik din si Ed Maluwag sa isang parody segment tungkol sa isang white lady.

Kaabang-abang din ang 'TBATS on the Street' kung saan tuturuan nina Boobay at Tekla ang mga lalaking nasa kalsada na magsalita sa gay linggo.

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, January 3, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!