
Ang mga miyembro ng Alpha Team ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) na sina Prince Clemente, Jon Lucas, at Paul Salas, pinainit ang Sunday night nitong January 3 sa pagbisita sa 'The Boobay and Tekla Show'!
Sumabak sina Prince, Jon, at Paul sa "Whisper Challenge" with a twist! Ang tatlong Kapuso hotties, naglaban-laban at ang may pinakamababang puntos sa kanila ang paparusahan. Sino kaya ang matatalo at kailangang magpakita ng abs?
Samantala, bumalik si Rhian Ramos para muling mang-good time sa "Pranking in Tandem" segment.
Pumunta ang Kapuso actress sa isang repacking warehouse at nang may mawalan ng wallet, inilaglag nito ang kasama niyang volunteer.
Sa "TBATS on the Street," tinuruan naman ng fun-tastic duo ang mga kababayan ng ilang beki terms.
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!