
Mark you calendars, mga Kapuso, dahil mapanonood na ang full trailer ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) ngayong Linggo, December 22, bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho.
Ipasisilip sa full trailer ng much-awaited local adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun ang kwento ng laban para sa bayan at laban para sa pag-ibig nina Captain Lucas Manalo at Dr. Maxine Dela Cruz.
Bibigyang-buhay ang mga karakter na ito nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, na unang beses magtatambal para isang teleserye.
Bukod kina Captain Lucas at Dr. Maxine, tampok din sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) ang mga karakter nina Sergeant Diego at Lieutenant Moira na talaga namang minahal din ng mga manonood hindi lang sa Pilipinas at South Korea, kundi sa buong mundo. Gagampanan ito nina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith.
Pinagsama-sama ang mga nasabing bigating bituin ng GMA para sa upcoming action-drama series dahil ito ang tinatayang pinakamalaking produksyon ng GMA sa taong 2020 para sa ika-70 anibersaryo ng Network.