
Sa ikasiyam na linggo ng Douluo Continent, isang paligsahan ng kapangyarihan ang kinaharap ng grupo nina Tang San (Xiao Zhan).
Sa unang bahagi ng paligsahan ay dehado pa ang lagay ng nina Tang San o ng Shrek team laban sa kanilang katunggaling kuponan dahil sa lakas ng grupo na ito.
Dahil dito, matapang na hinarap ni Tang San ang kanilang kalaban at maayos na plinano ang kanyang gagawing pagsalakay. Bukod dito, ipinamalas din niya ang kakaibang kapangyarihan na kanyang nakuha mula sa isang gagamba.
Gamit ang kanyang taglay na lakas na dark soul ring ay nagawa niyang patumbahin ang kanyang mabangis na katunggali.
Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay sa paligsahan, may isang problema pang dapat kaharapin si Tang San.
Subaybayan ang huling linggo ng Douluo Continent, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.