GMA Logo Mukbang
Celebrity Life

Dr. Dex Macalintal warns mukbang vloggers that eating too much may cause health issues

By Aimee Anoc
Published September 23, 2021 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SC reverses Comelec’s ruling canceling candidate’s COC
SALA releases new single 'Tahanan'
2 ash emission events on Mt. Kanlaon span 3 hours

Article Inside Page


Showbiz News

Mukbang


"Tandaan pa rin po natin na kapag mga bad cholesterol, 'yan 'yung nagdudulot sa 'tin ng hypertension and 'yung mga sakit sa puso." - Dr. Dex Macalintal.

Sa dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo sa i-Witness, nagpaalala si Dr. Dex Macalintal, isang lifestyle medicine physician, sa posibleng maging problema sa kalusugan ng mga mukbang vloggers.

Sikat ngayon sa social media ang tinatawag na "mukbang challenge" kung saan makikita ang mga vloggers na kumakain ng sobra-sobra.

Ayon kay Dr. Macalintal, ang sobrang matataba at mamantikang pagkain ay nagtataglay ng mataas na calories at cholesterol na posibleng makasama sa kalusugan.

"Ang dami nilang kinakain. Usually, around 3,000 to 4,000 calories. Kung titignan natin, sa dami ng kinakain nila, even 'yung mga putok-batok na puro cholesterol," paalala ni Dr. Macalintal.

"Tandaan pa rin po natin na kapag mga bad cholesterol, 'yan 'yung nagdudulot sa 'tin ng hypertension and 'yung mga sakit sa puso," dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Dr. Macalintal na ang sobrang pagkonsumo ng karne at taba ay maaaring magdulot ng cancer. Gayundin, ang pagkakaroon ng mataas na timbang ay maaaring maging sanhi ng iba pang sakit tulad ng diabetes.

"'Yun pong red meats, at 'yung sobrang daming fats that could lead to cancer. Kapag sobrang taas ng timbang marami na 'yan, kone-konekta na po 'yan... leading to diabetes," pagbabahagi ni Dr. Macalintal.

Mas mabuti pa rin daw na kumain ng kakaunti at magdagdag ng masusustansyang pagkain kapag gagawa ng mukbang.

"Kung kakain kayo ng marami, I would say bawasan natin nang kaunti 'yung kinakain natin. Magsama rin kayo sa videos n'yo ng partner para mabawasan 'yung inyong mga kinakain personally,” ayon pa sa doktor.

"Magtaas ng intake ng fruits, vegetables, whole grains, seeds, legumes, na isasama n'yo sa recipes. That way, ma-eenganyo pa natin ang ating viewers na kumain ng katulad ng kinakain natin," pagtatapos niya.

Panoorin ang report ni Sandra Aguinaldo sa i-Witness: https://youtu.be/mvIhtYFt8wg

Para sa iba pang lifestyle content, pumunta lamang sa GMA's Lifestyle page.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang Pinoy celebrities na may YouTube channel: