GMA Logo wagas title card
What's Hot

Drama-romance anthology 'Wagas,' muling mapapanood sa GMA simula September 27

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 15, 2020 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filmmaker Roni Bertubin passes away
One The Woman: Julie, anak ng arsonist na pumatay sa ama ni Steve!
Mandaue City reuses portion of old dumpsite for garbage disposal

Article Inside Page


Showbiz News

wagas title card


Balikan ang ilan sa mga tumatak na istorya ng drama-romance anthology na 'Wagas' tulad ng pag-iibigan nina Senator Miriam Defensor-Santiago, na ginampanan ni Heart Evangelista, at Atty. Jun Santiago simula September 27 sa GMA.

Muling mapapanood ang ilan sa mga tumatak na istoryang itinampok ng drama-romance anthology na 'Wagas' simula September 27 sa GMA.

Maraming love story ng mga kilalang personalidad ang mababalikan tulad ng pag-iibigan nina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Atty. Jun Santiago, GMA news anchor Mike at Baby Enriquez, at Chef Boy at Ernelinda Logro.

Ginampanan ni Heart Evangelista si Sen. Miriam, na tumayo bilang ikalawang ina ni Heart sa totoong buhay noong nabubuhay pa ito.

Bukod sa kanila, mapapanood rin ang pag-iibigan ng mga bayaning sina Gabriela at Diego Silang na ginampanan nina Glaiza de Castro at Marc Abaya.

Glaiza de Castro bilang Gabriela Silang

Noong 2015, binigyang buhay nina Glaiza de Castro at Marc Abaya ang mga bayaning sina Gabriela at Diego Silang sa two-part episode ng 'Wagas.'

Tumutok lang sa GMA simula September 27, pagkatapos ng All-Out Sundays upang muling mapanood ang 'Wagas.'