GMA Logo Rodjun Cruz at JM Yrreverre
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

Dream collab nina Rodjun Cruz at JM Yrreverre, natupad na sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published July 29, 2025 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinos in Czechia, Germany celebrate Sinulog in Prague
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz at JM Yrreverre


Natupad na ang matagal nang inaabangang dream collab nina Rodjun Cruz at JM Yrreverre sa 'Stars on the Floor!'

Mukhang worth it ang paghihintay nina Rodjun Cruz at JM Yrreverre dahil sa wakas, natupad na ang kanilang dance collab dreams sa Stars on the Floor noong Sabado, July 26.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rodjun ang ilang photos mula sa kanilang performance ni JM at nagpasalamat siya sa naging matagumpay nilang collab sa dance floor.

"Let's go Maw @jmyrreverre! Pandemic days nag-uusap lang tayo sa Tiktok na sana magkasama tayong sumayaw yun pala after 5 years pa sa @starsothefloorgma pala tayong magkakasama humataw sa dance floor hehe! Galing!" sabi ni Rodjun.

Sa tagal ng kanilang paghihintay, inamin ni Rodjun na sobrang nag-enjoy siyang makasama si JM sa isang dance performance.

"Afro pa yun sheesh! sa Uulitin! Galing mo talaga. Thank you, JM," pagbati ni Rodjun sa kaniyang ka-duo.

Hindi din nito nakalimutang pasalamatan ang kanilang coach na si Coach April. Nagpasalamat si Rodjun sa pagiging matiyaga nito at sa pagtuturo ng magandang choreography, dahil ayon sa kanya, "hindi biro" sayawin ang Afro dance na inilarawan niyang "challenging pero ang saya."

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Sa ikaapat na linggo ng Stars on the Floor, itinanghal sina VXON Patrick at Joshua Decena bilang 4th top dance star duo.

Samantala, noong ikalawang linggo ng kompetisyon, sina Rodjun at Zeus Collins naman ang kinilala bilang 2nd top dance star duo.

Si JM naman ay itinanghal bilang 1st top dance star duo kasama si Thea Astley noong pilot episode ng Stars on the Floor.

Patuloy na tutukan ang maiinit na performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin dito ang digital dance star na si JM Yrreverre: