
Merong mga panibagong mga susuportahan ang mga Filipino pageant fans and aficionados ngayong isa na namang pageant organization ang nag-announce ng mga winners.
Ipinakilala ng Mr. Gay World Philippines ang winners ng kanilang pageant sa kanilang official Facebook account. Ang mga winners ngayong taon ay si Mister Bulacan Drei Arias, na ngayon ay lalaban sa Mr. Gay World pageant.
Samantala, si Mister Malabon City Mark Anthony Bacongan at Mister Makati Lourd Ryan Ramos ay pinangalanang All-Stars Winner 1 and 2. Si Mister Sta. Ana Juan Miguel Lago naman ay first runner-up, habang si Mister Leyte Jamil Guillera ay second runner-up.
Ang Mr. Gay World Philippines ay isa lamang sa mga beauty pageant na ginaganap sa bansa para sa lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, and asexual (LGBTQIA+) community. Sa simula ng taon, ilang mga celebrity ang nag-cheer para sa Miss Gay Quiapo candidates.
Sa katunayan, ang Facebook post ni Joy Barcoma ay nakakuha ng 10,000 reactions.